Wednesday, April 9, 2008

Mark Herras Still willing to help Jennylyn Mercado despite intrigues

Halatang nag-aalala si Mark Herras ng makausap namin siya sa Boracay nitong nakaraang Holy Week dahil sa pinagdadaanan ng kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado. Aminado si Mark na hindi naging madali para kay Jennylyn ang kanyang pagbubuntis dahil na rin sa samu't saring intrigang pinagdaanan nito.

Ayon kay Mark, kinamusta niya si Jennylyn noong Holy Week. Sa tagaytay daw nagpalipas ng Mahal na Araw ang ex-girlfriend. May ilang pagkakataon daw na tinatawagan niya si Jennylyn para lang alamin ang kalagayan nito.

"Wala naman akong masamang binabalak o gagawin dahil tinatawagan ko siya. Hindi naman masamang mangamusta." ayon sa Starstruck 1 Ultimate Male Survivor.

Sana raw hindi na bigyan ng kulay ang kanyang pagtulong kay Jennylyn. Kahit dati raw magkasintahan, naging malapit na magkaibigan na raw sila kahit matapos magdesisyong maghiwalay dahil na rin sa katagalan ng kanilang loveteam at pagsasama. Nalulungkot daw siya dahil nababahiran ng intriga ultimo ang pagtulong niya.

Hindi na rin muna siya magbibigay ng mensahe para ama ng dinadadala ni Jennylyn na si Patrick Garcia dahil baka gawing isyu ito ng ilan. Basta ang gusto raw ni Mark ay ang makatulong na lang sa isang kaibigan.

"Dati nga natsismis pa na ako ang ama. Nagbigay lang ako ng gats, naging masama pa. Hindi naman sila ang nagpasama kundi yung ibang mga tao. Basta ganito na lang, kung anu man ngayon ang kailangan ni Jen, kahit hanggang lumabas ang baby, basta kaya ko, itutulong ko," pahayag ni Mark. - Philippine Entertainment Portal